Tips Para Iwas Losyang mga Mommies

Ano ang ibig savihin ng Losyang?

Losyang ay kawalan ng oras o panahon para alagaan ang iyong sarili ,pang pisikal emotional at mental. Kadalasan ay nararanasan ito ng mga ina na mayroon nang mga anak.

Narito ang mga paraan para maiwasan ang pagkalosyang:

1. Haircut and/or Hair Color

Isa sa pinaka madaling paraan para iwas losyang mga mommies ay ang pag aalaga ng buhok kadalasan nagmumukang losyang dahil sa gulo gulong buhok na hindi manlang masuklayan o maipusod,lalo na kung may alaga tayong mga baby madalas pang masabunutan. Ang pag papagupit ng buhok ay makatutulong para mas maging maaliwas tignan ang ating mukha. Maari ring mag pakulay ng buhok ,dahil nakakadagdag ito ng kakaibang awra upang mas maging bata tayo tignan ngaunit tandaan lamang na ang paglalagay ng kulay o hair dye ay depende sa kulay ng iyong balat o skin type.

2. Take a Bath

Isa sa mga importante at hnd dapat kalimutan ay ang paliligo, pinakamahalagang paraan para iwas losyang. Maaring napaka busy ng buong araw nating mga mommies sa pag aalaga pag aasikaso at paglilinis ng mga anak at buong bahay pero siguraduhing bago dumating c hubby ay mabango at malinis tayo.

3. Mag Exercise

Maari ring gawin ang pag eehersisyo. Bago mag umpisa ng gawaing bahay . mag laan ng 15 to 30mins. para mag bawas ng timbang at para palakasin ang katawan.

4. Always Smile

Salubungin ng ngiti ang umaga . Pag gising ngumiti at magpasalamat sa lahat ng blessing na ating natatanggap iwasan mag isip ng nakaka stress na bagay ,ituon ang atensyon sa magaganda at positibong bagay .

5. Mag Make Up

Isa din sa dapat natin i consider ay ang pananamit natin mga mommy . Siguraduhin din nating maayos at komportable ang ating pananamit sa bahay man ,pupuntang palengke o mag ggrocery o mag mamall . Hind naman kinakailangan bumili ng mamahaling damit Simpleng short ,legging at blouse ay ok na as long as presentable tignan.

6. Make a Little Effort to Get Dressed

Isa din sa dapat natin i consider ay ang pananamit natin mga mommy . Siguraduhin din nating maayos at komportable ang ating pananamit sa bahay man ,pupuntang palengke o mag ggrocery o mag mamall . Hind naman kinakailangan bumili ng mamahaling damit Simpleng short ,legging at blouse ay ok na as long as presentable tignan.

7. Me Time

Ngunit ,kahit gaano tayo kaganda at kabango kung ikaw ay emotionally burn out,you will not be 100%. Lahat tayo nauubos, napapagod phisically at emotionally kailangan din natin ntin ng pahinga mommies hindi tayo robot. ang makina nga nag oover heat pagna sobrahan ng gamit tayo pa kaya ?.Give time to relax Pamper your skin ,have some coffee break, hang out with friends ,kaunting chika chika sa mga frends or me time na tinawag .Para marefresh naman yung pagkatao natin aminin man natin o hindi may mga araw talaga na feeling stress tayo kahit hindi natin gustuhin .

Tandaan Mommy!

Hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak para ikaw ay malosyang mommy, Bagkus gawin mo silang inspirasyon see how young happy and carefree, para mas lalo kang mag bloom. Gayun din upang magkaroon ng mas maganda at matibay na relasyon kay hubby. Dahil ang “Happy Wife ay Happy Life”

Design a site like this with WordPress.com
Get started